150 Sea Turtle Hatchlings, Pinakawalan sa Karagatan

Mar 29, 2017 / News /

17571707_2220744704817987_1794251484_o (1)

Lian, Batangas – May 150 sea turtle hatchlings ang pinakawalan sa karagatan ng Brgy. San Diego ng bayang ito noong Marso 4 ng taong kasalukuyan

Ayon kay Tourism Officer Maria Clarizza Masipag, mapalad ang kanilang karagatan sa Lian dahil isang biyaya mula sa Diyos ang pagkakaroon ng mga itlog ng pawikan dito.

Batid ni Mayor Isagani I. Bolompo na “endangered” ang mga pawikan kaya ang ginagawa nila para madagdagan ang buhay ng mga pawikan ay nagsasagawa sila ng mga aktibidad tulad ng pagpaparami nito.

Idinagdag pa nito na mula abril hanggang hunyo ay marami silang pinapakawalang “sea turtle hatchlings” sa karagatan, kaya`t inaanyayahan nito ang lahat na saksihan ang gawaing ito sa kanilang bayan.

Pinapayuhan lamang ang mga manonood na huwag hipuin ang mga “turtle hatchlings” habang ang mga ito ay malayang lumalangoy sa karagatan. (JOJO GONZALES CENIZA)